Manila, Philippines – Makipagdayalogo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa grupong Piston.
Kaugnay ito ng bantang tigil pasada ng transport group dahil na rin sa hindi umano ay pagiging patas ng LTFRB.
Ayon kay LTFRB Executive Director Samuel Jardin, layon ng diyalogo na makahanap ng solusyon na magbebenepisyo sa lahat lalo na sa mga pasahero.
Hinimok din ng LTFRB ang grupo na ipabatid sa ahensya ang kanilang mga hinaing bago magsagawa ng mga marahas na hakbang gaya ng tigil pasada.
Una rito, nagbanta ang grupong Piston na dalawang araw na transport strike ang sasalubong sa pagpasok ng 2019 kung patuloy na igigiit ng Department of Transportation (DOTr) ang modernisasyon sa mga pampublikong sasakyan at ang ginawang pag-rollback ng LTFRB sa pamasahe sa jeep.