NAKIRAMAY | Isang Pinay sa Malaysia, nakitang patay sa isang ilog

62

Nagpaabot na ng pakikiramay at simpatya ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagkamatay ng ating kababayan sa Sabah, Malaysia.

Ito ay makaraang matagpuan ng isang plantation worker ang palutang-lutang na katawan ni Madelyn Bernardo Asuncion sa Pengalan River noong November 28.

Ayon kay Ambassador to Malaysia Charles Jose posibleng kaso ng homicide ang insidente.

Sa ngayon hinihintay na lang ng ating Embahada ang resulta ng otopsiya sa mga labi nito.

Si Madelyn ay tubong Zamboanga City at naninirahan sa Malaysia kasama ang kanyang ama sa loob ng 10 taon.

Facebook Comments