Manila, Philippines – Kasado na ngayong araw ang tigil pasada ng
Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide o grupong PISTON.
Ayon kay PISTON National President George San Mateo, ito ay bilang patuloy
na pagtutol nila sa jeepney modernization program ng gobyerno.
Magiging sentro aniya ng mga protesta ang Cubao at Novaliches sa Quezon
City, Anda Circle sa Maynila, Monument sa Caloocan at Alabang sa Muntinlupa.
Asahan ding mararamdaman ang tigil pasada sa mga lalawigan ng Cavite,
Laguna, Batangas at Rizal.
Tiniyak naman ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board
(LTFRB) board member Aillen Lizada na may anim na staging area sa Metro
Manila kung saan pwedeng makasakay ang mga ma-i-istranded na pasahero.
Nagdeklara naman ng walang pasok ang mga sumusunod na paaralan.
Lahat ng antas
– De La Salle University (Taft, Laguna, Makati at Bonifacio Global City
campuses) including office work.
– College of St. Benilde – all classes, including office work.
– Far Eastern University – all classes, including office work. [Manila
and Makati campuses; FEU High School (Manila)]
– St. Paul University Manila
– Quezon City (all levels, public and private)
– Miriam College – all levels and offices
– San Pablo, Laguna (all levels, public and private)