Manila, Philippines – Wala pang epekto ang ikinakasang malawakang tigil-pasada ng grupong Piston at Stop and Go sa Lungsod ng Manila.
Mayroon pa rin pumapasadang pampasaherong jeep na biyaheng Cubao-Baclaran, Divisoria-Cubao, Paco, Sta. Ana, Pedro Gil at kahabaan ng Taft.
Ilan sa katwiran ng mga tsuper ng jeep ay magugutom umano ang kanilang mga pamilya kung sila ay titigil sa pamamasada.
Paliwanag ng mga jeepney driver, hindi naman umano sasagutin ng grupong Piston at Stop and Go ang kanilang mga gastusin sa pang-araw araw.
Bukod dito, pabor din sila sa plano ng gobyerno na modernization program ng transportasyon basta ay mahalaga anila ay tuloy-tuloy lang ang kanilang mga pasada.
Una nang nagpahayag ang limang transport group na hindi sila lalahok sa isinagawang tigil-pasada ng Piston at Stop and Go dahil sinusuportahan nila ang programa ng gobyerno na magkaroon ng modernization program sa mga PUJ.