TIGIL-PUTUKAN | Malacañang, umaasang tutupad ang NPA

Manila, Philippines – Umaasa ang Malacañang na tatalima ang Communist Party of the Philippines (CCP) sa deklarasyon nito ng unilateral ceasefire.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, welcome sa palasyo ang ginawang deklarasyon ng NPA na unilateral ceasefire bilang obserbasyon ng pasko.
Sinabi pa ni Roque na kaya nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng Suspension of Offensive Military Operations (SOMO) laban sa rebeldeng komunista ay dahil gusto nitong maramdaman ng lahat na ligtas sila ngayong holiday season.

Inaasahan din ng pamahalaan na tutuparin nila ang tigil putukan para sa payapa at tahimik na christmas celebration.


Tiniyak naman ni Roque sa publiko na nananatiling alerto ang gobyerno sa gitna ng deklarasyon ng ceasefire.

Facebook Comments