Tigil putukan na idineklara ni PRRD, umaasang susuklian ng goodwill ng CPP-NPA-NDF

Umaasa pa rin ang gobyerno na magdedeklara ng unilateral ceasefire ang Communist Party of the Philippines, The New People’s Army, The National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Kasunod na rin ito ng idineklarang tigil putukan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil na rin sa pinaiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon bunsod ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa interview ng RMN Manila kay Labor Secretary and Government Peace Panel Chair Silvestre Bello III, sinabi nito na sana ay tugunan ng CPP-NDF-NPA ng goodwill ang hakbang ng Pangulo upang mas mapagtuunan ng pamahalaan ang paglaban sa COVID-19.


Naniniwala rin si Bello na may pag-asa pa ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at rebelde grupo kung makikipag-tulungan lang ang mga ito.

Epektibo ang idineklarang unilateral ceasefire ng Pangulong Duterte kahapon at tatagal hanggang sa April 15.

Facebook Comments