Extended ng panibagong 72 hours ang tigil putukan sa Sudan.
Inanunsyo ito ni Department of Foreign Affairs (DFA) Usec. for Migrant Workers Eduardo de Vega sa press briefing sa Malacañang.
Ayon kagabi, napaso ang unang itinakdang ceasefire pero napalawig ito ng panibagong 72 oras.
Dahil sa ipinatupad na extension ng ceasefire, hinahabol nilang mailikas lahat ang mga Pilipino natitira pa sa Sudan.
Sa ngayon, mayroon pang 200 mga Pilipino sa Sudan ang mas piniling manatili na lamang doon.
At dahil naka Alert Level 3 na ang DFA sa Sudan, tututok sila sa operasyon para mapauwi ang lahat ng Pinoy sa Sudan.
Kaya patuloy aniya nilang hinihikayat ang 200 mga Pilipinong ito para mailikas na rin habang umiiral pa ang ceasefire.
Sa pinakahuling record ng DFA, umaabot na sa 409 na Filipinos ang naka-alis na ng Khartoum.
340 sa mga ito ang nasa Egyptian border pa pending clearance na sila ay mapapasok dahil inaayos pa ang kanilang mga dokumento.
51 naman ang nakapasok na sa Egypt.