HDO laban kina Bantag at Zulueta, hindi na kinontra sa korte

Kinumpirma ng Muntinlupa Regional Trial Court na hindi na kinontra ng kampo nina dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag at dating BuCor Deputy Sr. Supt. Ricardo Zulueta ang hold departure order (HDO) laban sa kanila.

Ayon sa korte, hindi na naghain ng opposition sina Bantag at Zulueta sa HDO laban sa kanila.

Una nang hiniling ng government prosecutors ang pagpapalabas ng HDO laban kina Bantag at Zulueta.


Kaugnay ito ng kasong murder na kinakaharap nina Bantag at Zulueta kaugnay ng pagkamatay ng inmate na si Jun Villamor.

Sinasabing pinatay si Villamor para hindi ito kumanta hinggil sa mga personalidad na responsable sa pagpatay kay broadcaster Percy Lapid.

Facebook Comments