TIGILAN MO! | Sue Ramirez, umapela na tigilan ang pagse-sexualize sa katawan niya

Manila, Philippines – Umapela ang aktres na si Sue Ramirez sa publiko na tigilan ang pag-sexualize sa kanyang katawan.

Ito ay makaraang lumikha ng ingay ang instagram post ni Sue noong Abril kung saan siya nakasuot ng two-piece.

Aniya, aminado siyang na-objectify talaga siya dahil sa nasabing larawan at nasabihan pang malandi dahil sa pagtu-two piece niya.


Pero paliwanag niya, nag-swimming kasi siya noon kaya siya naka-two piece.

Samantala, wala na rin naman daw siyang balak pang patulan ang pamba-bash sa kanya ng netizens.

Facebook Comments