WALANG TAKAS | Carnapper, arestado matapos ma-korner ng mga baka sa Florida

32

Florida – Labis ngayon ang pasasalamat ng Sanford Police department sa mga concerned citizens na tumulong sa kanila para ma-korner ang isang carnapper sa Brevard County.

Pero hindi mga tao ang tinutukoy na “concerned citizens” ng pulisya kundi isang grupo ng mga baka!

Nangyari ito sa kasagsagan ng pagtakas ng suspek na si Jamie Young sa mga humahabol sa kanyang mga pulis.

Nagtago si Jamie sa isang damuhan pero naamoy siya ng mga K-9 dogs kaya nagtatakbo ulit siya hanggang makarating sa pastulan ng baka.

Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, hinabol ang suspek ng mga baka saka siya pinalibutan.

Ayon sa may-ari ng mga baka, posibleng nag-panic ang kanyang mga alaga dahil hindi kilala ng mga ito ang suspek.

Facebook Comments