TIGNAN: Biodegradable coffee cups na pwedeng itanim at maging puno

Image via Elite Daily

Inilabas ng Reduce. Reuse. Grow. Incorporated ang biodegradable coffee cups na pwedeng maging puno at itanim upang makatulong sa kalikasan.

Parte ito ng Kicktarter campaign na mabibili sa ilang tindahan sa Estados Unidos.

Ayon kay Alex Henige, CEO at Founder ng RRG Inc., sinisipsip ng liner ng papel ang init upang hindi direktang maapektuhan ang seeds.


Aniya, hindi masasayang ang produkto kahit itapon dahil pwedeng tumubo ito na maging puno.

May ginawa na silang testing sa California at wala silang naging problema sa germination nito.

“We do know that there are a handful of seeds that will make it no problem, due to the nature in which they are meant for in the wild, very hardy and durable,” paliwanag ni Henige.

“However with a majority of the seeds, it will take time to really lock in the temperatures and times exposed to these temps in order to all operate and germinate properly,” dagdag niya.

Inaasahan nila kung paano pa bumuo ng maraming ideya tungkol sa produktong ito sa mga susunod pang buwan.

Facebook Comments