TIGNAN: Isko Moreno at Vico Sotto nagkasama sa isang fun run event

295
Image via Facebook/Manila Public Information Office

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsama sa isang okasyon ang dalawang alkaldeng pinag-uusapan ngayon ng publiko, sina Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at Pasig City Mayor Vico Sotto.

Dumalo sina Moreno at Sotto sa ginanap na “MVP Superhero Fun Run” event nitong Biyernes sa Meralco Compound, Ortigas Pasig City.


Inorganisa ang naturang event bilang parte ng selebrasyon ng kaarawan ni Manuel V. Pangilinan.

Sa Facebook page ng Manila Public Information Office, makikita ang group photo nina Moreno, Sotto, at MVP.

Inihalintulad sa bible story na “David and Goliath” ang pagkapanalo ng dalawang mayor matapos talunin ang mga maimpluwensiya at higanteng kalaban noong nakaraang halalan.

Winakasan ni Sotto ang mahigit 27 taong pamumuno ni Bobby Eusebio sa Pasig at nanaig naman si Moreno kay dating Pangulong Joseph Estrada.

Wala pang isang buwan, pinalinis ni Moreno ang mga pampublikong kalsada at underpass na inookupahan noon ng mga illegal vendors. Pinatanggal niya rin ang pangalan ng mga pulitikong nakalagay sa lahat ng paaralan sa lungsod.

Samantala, pinahinto ni Sotto ang odd-even scheme sa Pasig na umano’y isa sa dahilan ng trapiko sa siyudad at naglunsad ng FOI center noong nakaraang linggo. Kinundena din ng “millennial mayor” ang kontraktuwalisayon ng Zagu Foods Corporation.

Facebook Comments

From Advertisers