Tampok ngayon ang larawan ng pamilya Marcos na nasa loob ng Malacañang sa pagkahalal ni Imee Marcos bilang senador sa pagbubukas ng 18th Congress ngayong Hulyo.
Kasama rin ang anak na si Matthew Joseph Manotoc, nahalal na gobernador ng Ilocos Norte, dating first lady Imelda Marcos at dating senador na si Bongbong Marcos at pati ang litrato na nasa frame ang yumaong dating pangulong diktador na si Ferdinand Marcos.
Naimbitahan ang pamilya Marcos sa oath-taking ng mga kandidatong inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago (HNP).
Ibinahagi ito ni Bongbong Marcos sa isang tweet, “Back in Malacañang for @ManangImee‘s oath-taking with President Duterte.”
“We could hardly contain our excitement seeing her finally fulfill her dream of serving our people in the Senate. Congratulations, Senator Imee Marcos!” dagdag niya.
Back in Malacañang for @ManangImee's oath-taking with President Duterte. We could hardly contain our excitement seeing her finally fulfill her dream of serving our people in the Senate.
Congratulations, Senator Imee Marcos! pic.twitter.com/jCrBUOn7jD
— Bongbong Marcos (@bongbongmarcos) June 26, 2019
Binati naman ng mga netizen ang pagkahalal ni Imee bilang senador at sinabi nilang “the most beautiful photo and long live Marcoses.”