Namangha ang mga netizen sa Light pillars na nasa kalangitan ng probinsya ng Sulu nitong Hunyo 30.
Ayon kay Amarkhan Jidara, nakuhanan niya ang ‘pillars of light’ ika-7:00 ng gabi nitong nakaraang linggo at hinangaan niya ang kakaibang phenomenon na ito.
Sinabi naman ng mga Tausug na nangyayari ito sa kalangitan isa hanggang dalawang beses sa loob ng isang taon.
Ang light pillar ay isang epekto ng repleksyon ng ilaw ng maliliit na ice crystals na suspended sa atmospera o binubuo ng mataas na altitud ng mga ulap.
Ayon din sa mga Tausug, tinatawag nila itong “Lansuk-lansuk” o ibig sabihin ay kandila.
Pinaniniwalaan ng iba na ito’y malas. Ang ilan naman ay may swerte itong dala.
Facebook Comments