TIGNAN: Malinis at maluwag na Divisoria

Courtesy Facebook/Armani Chua Fashion Page

Hati ang reaksyon ng netizens sa larawang kumakalat ngayon ng Divisoria.

Sa kuha ng Armani Chua Fashion Facebook page, makikitang malinis, maluwag at walang mga sidewalk vendor sa paligid ng 168 Mall at Tutuban Center. Pinasalamatan din nito sa post si Manila City mayor-elect Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Ani Chua, “Salamat malinis na bangketa ng Divisoria hindi na mahihirapan mga wholesaler and retailer sa pagpunta.”


Ngunit ayon sa ilang social media users, panandalian lamang ang kaayusan ng Divisoria. Sambit pa nila, isang buwan matapos manalo si outgoing Mayor Joseph “Erap” Estrada noong 2013, bigla din nawala ang sidewalk vendors ngunit naging back to normal ulit matapos ang ilang araw.

” Sa una lang yan wait nyo after a couple of months siksikan nanaman. At lahat nang naging mayor nang manila ginawa na yan.”

“Until when nyo kayang imaintain yan?”

“After 3 months picture ulit kayo ganito. Ganyan din nung pumasok si Erap. Linis nung unang buwan.

Pakiusap naman ng iba, maliban sa Divisoria, linisin rin ang iba pang lugar sa Maynila.

Please naman Mayor Isko, paki-ayos din ang Taft-Pedro Gil. Sobrang gulo and pakibigyan naman ng tamang lugar ang mga nagtitinda dahil nakaharang na sila sa kalsada.”

“Sana yung quiapo Naman at kahabaan ng Avenida sta.cruz naman ang isunod pls.mayor”

“Sana pati ung bangketa s Carriedo malinis dn.”

Para sa ibang tao, dapat maging positibo sa pagbabago at maaring sinisimulan na baguhin ang Maynila.

“Nice one Isko Moreno for the support but it’s all about #DuterteEffect.”

“Yung iba reklamo ng reklamo eh hindi nmn pumupunta ng divisorya… suportahan nalang ang nakupo wag puna ng puna!!”

“Pwd naman pala!!!! Salamat mayor isko moreno!”

Umabot na sa mahigit 10,000 shares and likes ang nasabing appreciation post.

Facebook Comments