TIGNAN: Matteo Guidicelli sinalubong si Pangulong Duterte sa Zamboanga City

566
Image via PCOO

Sinalubong ni Scout Ranger Reservist Matteo Guidicelli si Presidente Rodrigo Duterte sa kanyang pagbisita sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City nitong Miyerkules.


Dinalaw ng Commander-in-Chief sa pagamutan ang mga sundalong nasagutan sa naganap na pagsabog noong nakaraang linggo sa IndanRoan, Sulu.

Ito ang pangalawang pagkikita ni Duterte at Guidicelli. Una nang nagpulong ang dalawa noong Abril kaugnay ng planong pagpasok ng aktor sa militar.

Kasabay nito, pinarangalan ni Duterte ng Order of Lapu-Lapu ang 12 sundalo dahil sa mahalagang naitulong sa kampanya at adbokasiya ng Pangulo.

Sumali si Guidelli sa Army Reserve Command noong kalagitnaan ng Abril para maipakita at maipadama ang pagmamahal sa bansa. Naging kasapi din siya ng Philippine Coast Guard Anxillary noong Marso kasama sina Erwan Heussaff and Nico Bolzico.

Facebook Comments