Vice Ganda, kinumpirmang na-osptital kaya absent sa ‘It’s Showtime’

Sa Twitter, kinumpirma ng komedyante at host Vice Ganda na na-confine siya sa ospital dahilan ng absence nito sa ‘It’s Showtime’ nitong Linggo.

Bago ito, nauna nang nagpahiwatig si Vice noong Sabado sa ‘Idol Philippines’ kung saan siya ay hurado, na mayroong iniindang karamdaman na hindi na idinetalye pa.

Pinasalamatan ni Vice ang mga doktor, nars, at staff na nag-asikaso sa kanya sa tatlong araw na pamamlagi sa The Medical City.


“Thank you very much to all the wonderful doctors, nurses and staff of TheMedicalCity for taking good care of me for 3days. Ang babait at ang aliwalas nyo. God bless you guys! Uwian na!” aniya.

Naging usap-usapan din ang pagiging sweet ng nali-link sa kaniya na si Ion Perez na nag insta-story ng pagbabantay niya kay Vice sa ospital kasama si Ryan Bang.

@pereziion27 on Instagram
Facebook Comments