TIGNAN: Oversupply ng bawang sa Occidental Mindoro

Courtesy Facebook/Jam Melchor

Viral ngayon sa social media ang post ng isang concerned citizen tungkol sa oversupply na mga bawang sa Lubang, Occidental Mindoro.

Ibinahagi ni Chef Jam Melchor ang mga larawan ng sobra-sobrang supply ng bawang na kanyang natanggap sa Facebook account.

Dahil sa kalabisan ng produksyon, nahihirapan maibenta ang mga naaaning bawang sa palengke at tuluyan nasisira.


Aniya, mahigit 70 tonelada ng mga bawang ang kanilang dinidispose. Mabibili ang medium to large size na gulay ng 100 piso kada kilo.

Nanawagan din siya sa iba’-ibang pamunuan ng agrikultura na tulungan ang mga apektadong magsasaka.

“I hope that the Department of Agriculture – Philippines Bureau of Agricultural Research and Agricultural Training Institute will not stop in training and giving technology assistance to garlic growers to enable them to create value added garlic products such as flakes, chips and powder or even garlic confit.”

Sa mga nais mamimili ng bawang mula mismo sa mga apektadong magsasaka, maaring tawagan o i-text si Sonnie Sinnung, Department of Agriculture (DA) DA HVCDP Coordinator ng MIMAROPA , sa numerong 0917-843-3046.

Wala pang nilalabas na pahayag ang Kagawaran ng Agrikultura kung bakit mayroon tone-toneladang supply ng bawang sa nasabing lugar.

Facebook Comments