TINGNAN: Pamilya nina Vice Ganda, Ion Perez nagkita

239
PHOTOS: @mikka_twinkle

Nagkaroon na naman ng dahilan ang fans para maniwalang real na real nga ang rumored couple #ViceIon!

Lunes, Hulyo 15, kumalat sa social media, partikular sa mga fan account, ang mga litrato kung saan makikitang magkasama ang mga pamilya nina Vice Ganda at Ion Perez.


Nanggaling ang photos mula sa Facebook post ng isang Dianne W. Perez, hinihinalang kaanak ni Ion base sa apelyido, na may caption na “Family with Vice Ganda.”

 

View this post on Instagram

 

Perez & Viceral Family 💕

A post shared by Jose Marie Viceral (@mikka_twinkle) on

 

View this post on Instagram

 

I can’t contain my happiness 😭😍💕

A post shared by Jose Marie Viceral (@mikka_twinkle) on

 

View this post on Instagram

 

Paano kumalma? 😭

A post shared by Jose Marie Viceral (@mikka_twinkle) on

 

View this post on Instagram

 

Mahal na Mahal ko kayo 😭

A post shared by Jose Marie Viceral (@mikka_twinkle) on

Noong May, lumutang din ang pictures ni Vice at Ion kasama ang kapatid nito, sa Hollywood, California.

Kamakailan lang din ng usap-usapan ang pag-aalaga ni Ion kay Vice nang na-ospital ito.

Matatandaang sinabi noong nakaraang buwan ng “It’s Showtime” host na si Vice na “seven months” na sila ng hindi niya pinangalanang karelasyon.

Sa kabila ng mga haka-haka tungkol sa relasyon at lumulutang na sweet photos ng dalawa, wala pa rin direktang pag-amin mula sa kanila.

Nagsimula ang kulitan at asaran ng dalawa sa “It’s Showtime” noon pang Setyembre nakaraang taon.

Facebook Comments

From Advertisers