Manila, Philippines – Aminado si Department of Agrarian Reform (DAR) Officer In Charge John Castriciones na nahihirapan siyang resolbahin ang mga isyu sa distribusyon ng lupa sa loob ng Hacienda Luisita sa Tarlac. Aminado si Department of Agrarian Reform (DAR) Officer in Charge John Castriciones na baka matagalan pa na tapusin ang land distribution sa loob ng Hacienda Luisita sa Tarlac. Ayon kay Castriciones, nahihirapan siyang resolbahin ang mga isyu na dinatnan niya kaugnay Hacienda Luisita. Aniya, bagamat nakapagpamahagi na ng mga parsela ng lupa sa mga benepisaryong magsasaka, hindi pa tapos resolbahin ang isyu sa mga naisanglang lupa ginagamit ng ilang negosyante sa kanilang pangkalakal na aktibidad. Idinagdag ni Castriciones na dinatnan din niyang usapin ng 1.2 billion pesos na napagbentahan ng ilang bahagi ng HLI. Iginigiit ng mga farmer beneficiaries na ang proceeds ng napagbentahan ay maipamahagi rin sa kanila. Kapag natanggal na aniya ang mga corporate expenses o nagastos sa mga commercial center sa loob ng HLI, dedesisyunan na kung saan mapupunta ang matitira sa 1.2 billion pesos.
TIIS PA | Implementasyon ng land distribution sa Hacienda Luisita, matatagalan pa – DAR
Facebook Comments