Sinagot ni Miss Universe Philippines 2021 Rousanne Bernos ang mga batikos sa kaniya ng netizens na hindi raw siya pasok sa beauty standards.
Sa kaniyang Instagram story, may sagot ang aspirant beauty queen sa mga kumuwestiyon na wala siyang panama sa ganda, tangkad at talino ng iba pang sumali sa pageant.
Say ni Bernos, sumali siya ng Miss Universe Philippines hindi dahil naniniwala siyang isa siyang beauty standard.
Sumali siya dahil gusto niyang maging inspirasyon at representative ng iba pang younger beauty queen aspirants na nakikita ang sarili nila sa kaniya.
Nagpasalamat naman si Bernos sa mga naniniwala at sumusuporta sa kaniya.
“I’m going to bed with a light and full heart,” say nga ng aspiring beauty queen.
Sa ngayon ay kabilang si Ayn sa Top 75, pasok sa Top 15 runway challenge at isa sa matunog din ang pangalan sa social media.
Gaganapin ang Miss Universe Philippines 2021 grand coronation night sa September 25, 2021.