TikTok videos sa weather report, ilulunsad ng PAGASA

Gagamit na rin ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng video-sharing app na TikTok para maipahatid ang mas komprehensibong weather report at maibahagi ang mga best practice sa typhoon at flood safety.

Ayon sa PAGASA, layon nito na mailapit ang state weather bureau sa mga Pilipino.

Nais abutin ng PAGASA ang nakakaraming mga kabataan lalupa’t malimit na nagfi-field trip ang mga ito sa PAGASA.


Maliban sa Twitter, kung saan may anim na milyong followers ang PAGASA, aktibo rin ito sa Facebook kung saan mayroon naman itong 4 million followers.

Facebook Comments