‘Till death do us part’: Bride na may cancer, namatay habang kinakasal

9074
Courtesy May Ann Magnaye Mercado

TIAONG, QUEZON – Imbis na batiin ng best wishes at congratulations, bumuhos ng luha at pakikiramay sa masaya sanang pag-iisang dibdib ng magkasintahang Victor Banayo at Marjorie Calizar nang biglang pumanaw ang bride sa gitna ng seremonyas.

Ayon sa kaanak ng babae, matagal nang nakikipaglaban sa sakit na cancer si Marjorie.


Walong taon nang magkarelasyon ang dalawa at nagdesisyong tuparin ang pangarap na kasal kahit may malubhang karamdaman ang bride.

Sumailalim din sa operasyon ang babae para mawala ang cancer ngunit kumalat na ito sa buong katawan niya.

Mula sa pagamutan, inihatid sa simbahan si Marjorie lulan ng ambulansya na nagsilbing bridal car niya.

Kumpleto rin ang pamilya, ninong, ninang, at abay ng magsing-irog.

Nakahiga siya sa stretcher at may nakakabit na oxygen habang kinakasal noong Disyembre 26.

Wala pa sa kalahati ng seremonya, bigla nang nalagutan ng hininga ang bride.

Pero sa kabila ng masakit na pangyayari, itinuloy ng pari ang pag-iisang dibdib ng dalawa hanggang sa maideklarang ganap na mag-asawa.

Facebook Comments