Sa Imus, Cavite…..
Arestado ang 13 Nigerian Nationals at kasabwat na Pinoy sa “online scamming syndicate” na bumibiktima sa mga OFWs at iba pang nationalities.
Ayon kay Imus City Police Chief Supt. Audi Madrideo – naaresto din sa isinagawang entrapment operation sa Barangay Tanzang Luma 2 ang lider ng grupo na si Emmanuel Nnandi, isang Nigerian.
Si Nandi naman ang nagturo kung saan matatagpuan ang mga miyembro ng sindikato.
Modus ng grupo ang lumikha ng pekeng Facebook accounts, na may nakaw na mga larawan at magkukunwaring miyembro ng US military.
Sa pamamagitan ng chat, papangakuan nila ang mga biktima na padadalhan ng pera o regalo galing abroad.
Pero bago maipadala ang regalo, dapat ay magpapadala muna ng pera ang biktima para ipambayad kunyari sa shipping o customs fees.