TIMBOG | 19-anyos na drug suspect, arestado sa port area, Maynila

8

Manila, Philippines – Arestado ang isang 19-anyos na drug suspek matapos mahulihan ng baril at mga iligal na droga sa Baseco compound port area, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Datu Aliwatamaka, na sinasabing kilala ang pangalan ng kanilang pamilya bilang supplier ng shabu sa Sta. Mesa, Quiapo at Baseco.

Ayon sa Baseco PCP, nagsasagawa sila ng anti-criminality campaign nang maispatan ang suspek na tila may tinatakasan.

Matapos habulin, nakuha kay Datu ang isang kalibre 45 na baril at tatlong plastik ng shabu na nagkakahalaga ng P600,000.00.

Sa ngayon, inaalam na kung kanino nito nakukuha ang mga iligal na droga pati na ang bitbit na baril.

Facebook Comments