Negros Occidental – Sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang bahay na ginagawang drug den sa San Juan Tunga, Barangay 5 sa San Carlos City, Negros Occidental.
Nasakote ng PDEA ang labing-isang katao kabilang ang tatlong menor de edad kung saan nakilala ang mga nadakip na sina Mora Allera, Rex Romero, Abraham Caruscay, Efren Fernandez, George Caballero, Michael Dirindigun, Dante Visen at Warlo Cañoneo.
Narekober din ng PDEA ang nasa 13 sachets ng shabu na may bigat na 15 gramo at mga drug paraphernalia.
Agad na ikinulong ang walo habang dinala naman sa Department of Social Welfare And Development (DSWD) ang tatlong menor de edad.
Facebook Comments