TIMBOG | 2 lalaki na nagtatago sa batas, arestado sa magkahiwalay na lugar

35

Marikina City – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang dalawang lalaki na
nagtatago sa batas sa magkakahiwalay na operasyon sa Marikina City.

Unang sinilbihan ng warrant of arrest si Ricolito Orcollo sa kaniyang bahay
sa Libis Bulelak, Malanday, Marikina City.

Si Orcollo ay may kasong reckless imprudence resulting in damage to
property sa isang korte sa lungsod.

Samantala, sinilbihan din ng warrant of arrest ang isang Jonathan Habilan
sa Sitaw Street, Barangay Tumana.

Nabatid na si Habilan ay may kasong pagnanakaw sa isang korte sa lungsod.

Hinihintay na lamang ang commitment order upang maiharap na sila sa hukuman
at malitis ang kaso laban sa kanila.

Facebook Comments