HULI SA AKTO | Tatlong personalidad nahulihang nagpa-pot session

Paranaque City – Bumaksak sa kamay ng Paranaque Police Station ang tatlong
personalidad matapos maaktuhang nagsasagawa ng pag-pot session Galugad at
Bauwi Street Tramo 2 Barangay San Dionisio Paranaque City.

Nakilala ang mga suspek na sina Judy Herbon 46 anyos, construction
worker Carlos
Iligan 38 Jeepney driver at Robert Trinidad 49 construction worker.

Ayon kay Paranaque Chief of Police Sr. Supt Leon Victor Rosete nagsasagawa
ng Oplan Galudad ang kanyang mga tauhan sa Baui Street, Tramo 2, Barangay
San Dionisio, Paranaque City dahil sa napaulat na talamak ang paggamit ng
shabu sa lugar.


Naaktuhang mga nagreresponding pulis ang ang tatlong suspek na gumagamit ng
ilegal na droga kung saan nakuhanan pa ng improvised ice pick at drug
paraphernalia’s.

Paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drug act of 2002 at batas
pambansa bilang 6 o illegal possession of deadly weapon ang isasampang kaso
laban sa mga suspek.

Facebook Comments