Camarines Sur – Naaresto ng mga tauhan ng CIDG Camarines Sur ang dalawang punong brgy matapos na maaktuhang bumibili ng boto.
Sa isinagawang entrapment operation sa Brgy. Sta Lucia, Magarao, Camarines Sur kahapon.
Ang nangyaring vote buying ay may kinalaman sa gaganaping THE Association of Barangay Councils o ABC election sa Camarines Sur.
Ayon kay PNP Bicol Region Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Sr Supt Wilson Asueta Ala-1:20 ng hapon kahapon nang isagawa ng entrapment operation sa loob ng isang kwarto sa isang resort sa Brgy Sta Lucia Magarao Camarines Sur.
Ikinasa ang operasyon matapos magreklamo ang dalawa ring punong brgy na kinilalang sina Florentino Sibuc ng Brgy Siembre at Clariño ng Brgy San Francisco sa Bombon Camarines Sur.
Kinilala anga mga naarestong Punong Barangay na sina Augusto Laure 51 anyos kasalukuyang Punong Brgy ng Brgy San Roque at Allan Vedallo 44 anyos punong brgy ng Brgy Pagaw Bombon Camarines Sur
Nakuha ng mga pulis sa isinagawang entrapment operation ang 100,000 pesos na cash.
Sa ngayon nakakulong na ang suspek sa detention cell ng CIDG Bicol Region at mahaharap sa kaukulang kaso.