Valenzuela City – Arestado ang dalawang katao na matagal nang nagtatago sa batas sa magkakahiwalay na operasyon sa Valenzuela City.
Unang naaresto ang 67-anyos na driver na si Francis De Jesus sa T. Santiago Street, Viente Reales na nahaharap sa kasong qualified theft.
Samantala, timbog din ang 67-anyos na si Abigail Fontalba sa Liwayway Street, Marulas na may kaso din na kasong qualified theft.
Nakatakdang dalhin sa korte sina De Jesus at Fontalba para harapin ang kasong kriminal na nakasampa laban sa kanila.
Facebook Comments