Manila, Philippines – Arestado sa isinagawang buy bust operation ang tatlong personalidad na hinihinalaang tulak sa ilegal na droga matapos na magsagawa ng buy bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Mandaluyong City.
Unang naaresto ay si Renato Gabriel na naaresto sa # 622 San Rafael St. Brgy Plainview Mandaluyong City matapos na na arestuhin ni PO1 Robert Esteban kung saan nakuhanan ng 500 buy bust money at transparent plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.
Sumunod na naaresto ay sina Mariano Tanteo Jr at Mark Daniel Torres na naaresto sa Blk 11 Brgy ni PO2 Benedick Agunda matapos na magsagawa ng buy-bust operation kung saan nagpanggap na bibili ng shabu ang isang pulis sa halagang isang libong piso at nang iaabot na ng pulis ng mark money ay agad dinampot ang mga suspek.
Narekober sa mga suspek ang isang libong pisong buy bust money at transparent plastic sachet na naglalamang hinihinalaang shabu.
Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng Mandaluyong Station and Drug Enforcement Unit laban sa mga suspek.