TIMBOG | 6th most wanted ng San Juan City, arestado

Pasig City – Hindi na nakaporma ang isang lalaki na itinuturing na 6th most wanted ng San Juan City matapos ang siyam na taong pagtatago dahil sa pagpatay sa kanyang pinsan.

Kinilala ang suspek na si Joselito Mayo, na itinuturong sumaksak at pumatay kay Rodolfo Mayo sa Barangay Corazon de Jesus noong Setyembre 16, 2008.

Matapos ang siyam na taong pagtatago ay hindi na nakapalag ang suspek nang arestuhin ito sa 41 Mayfield Condominium sa Barangay Rosario sa Pasig City.


Sinasabing una itong nagtago sa Aklan, Capiz sa kanyang mga kamag-anak kung saan dalawang taon ang nakalipas ay napag-alaman na nagtrabaho ito bilang stay-in helper sa Condominium.

Facebook Comments