AKSIDENTE | Security guard, sugatan matapos mabaril ang sarili sa Valenzuela

Valenzuela City – Sugatan ang isang security guard matapos nitong mabaril ang sarili sa Barangay Bignay,Valenzuela City.

Sa ulat, naghahan­da na sana para umuwi ang guwardiyang si John Bergonia nang inspeksyonin ang kanyang kalibre .38 na baril pero bigla na lamang itong pumutok at tina­ma an siya ng bala sa hita.

Agad na isinugod sa Valenzuela City Medical Center ang sekyu kung saan nasa mabuti na siyang kalagayan.


Patuloy naman nagiimbestiga ang agency nito na Jericko Security Service Inc., para malaman ang totong nangyari lalo na at nangyari ito sa guard house ng Avisea Subdivision.

Facebook Comments