TIMBOG! | Abu Sayyaf, arestado sa Basilan

Basilan – Inaresto ng mga tauhan ng Joint Task Force (JTF) Basilan ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Barangay Sinulatan Tuburan Basilan.

Ayon kay Captain Ian Dexter Pablo tagapagsalita ng JTF Basilan/104th Brigade, naaresto ang teroristang asg matapos na makatanggap ng impormasyon sa presensya ng bandido sa lugar.

Isang concerned citizen ang tumawag sa militar kaya agad na rumesponde ang mga sundalo.


Pagsapit nila sa lugar nakita nila ang bandido na may hawak na rifle kaya agad nilang inaresto.

Nakilala itong si Mannah Obboh Mutahaon na agad nang itinurn over sa Lamitam City PNP para sa pagsasampa ng kaso.

Patuloy ang pagtugis ng militar sa mga Abu Sayyaf sa Basilan.

Facebook Comments