SINIGURO | Suplay ng itlog, sapat – ayon sa Department of Agriculture

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng itlog sa bansa.

Ito ay sa kabila ng limang pisong pagtaas sa presyo ng kada tray ng itlog sa mga pamilihan.

Ayon kay DA Sec. Manny Piñol – walang problema sa suplay ng itlog at maituturing pa ngang good news ang bahagyang pagtaas ng presyo nito.


Kung maaalala, halos magreklamo na ang mga egg producer dahil sa sobrang bagsak presyo ng mga itlog.

Gayunman, inaalam na rin ng kalihim ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng itlog pero may mga impormasyon na posibleng resulta ito ng malamig na panahon na nakakaapekto sa pangingitlog ng mga inahing manok.

Facebook Comments