Manila, Philippines – Hindi na nakapalag pa sa mga otoriadad ang isang Angkas driver matapaos na mahulihan ng hinihinalaang shabu sa kanyang bulsa ng magsagawa ng check point sa Pasong Tirad St. Corner Kalayaan Avenue Brgy Tejeros, Makati City.
Nakilala ang suspek na si Alfredo Almario Jr 35 binata ng isang Angkas driver, residente ng 4843 Solchuaga St Brgy Singkamas, Makati City.
Napag-alaman sa isinagawang imbestigasyon ng Station Drug Enforcement Unit ng Makati City Police nagsagawa ng checkpoint operation sa Kanto ng Pasong Tirad Street at Kalayaan Avenue Bgry.Tejeros Makati ng maispatan ang isang motorsiklo paparating sakay ang suspek na walang suot na helmet at nang sitahin ni upon PO1 Bautista ay nagtangka pang tumakbo pero naharang ng mga pulis at nang kapkapan nakuha sa kanyang bulsa ang isang plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.
Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa suspek.