TIMBOG | Babaeng hinihinalang tulak sa ilegal na droga arestado sa Maynila

19

Manila, Philippines – Arestado ng Manila Police District (MPD) Police Station 7 ang isang babaeng sinasabing pusher matapos na magsagawa ng anti-criminality operation ang pulisya sa Pilar, Street, Tondo, Manila.

Nakilala ang suspek na si Arcely Alacre 43-anyos at residente ng No. 3165 Int. 11 Pilar Street, Tondo, Manila.

Ayon kay MPD Spokesman Superintendent Carlo Manuel nasagawa aniya ng anti-criminality operation ang mga operatiba ng Hermosa Police Station sa naturang lugar kung saan naispatan nila ang suspek na nakatayo sa lugar.

Agad na kinapkapan ng mga pulis ang suspek at nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act ang kasong isinampa laban sa babaeng durugista.

Facebook Comments