CAFGU Member, Sinaksak ang Isang Magsasaka sa San Guillermo Isabela!

115

San Guillermo, Isabela – Sinaksak kagabi ng isang miyembro ng Citizen Arm Forces Government Unit o CAFGU ang kabarangay na magsasaka sa San Guillermo, Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon ng San Guillermo Police Station, kinilala ang biktima na si Danilo Acosta, tatlumput walong taong gulang, may asawa at isang magsasaka, samantala ang CAFGU member ay kinilalang si Gerwin Aquino, nasa tamang edad, may asawa at pawang mga residente ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, nakarinig umano ng sumisigaw ang biktima kung kaya’t lumabas siya mula sa kanyang bahay at nakita ang suspek na may hawak na kutsilyo.


Pinagsabihan umano ni Acosta si Aquino ngunit nagalit ang suspek at walang habas na sinaksak ang biktima ng maraming beses sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Kaagad naman na itinakbo si Acosta sa pinakamalapit na pagamutan para sa karampatang lunas at nasa pag-iingat narin ng San Guillermo Police Station si Aquino kung saan ay inihahanda na kasong kakaharapin nito.

Facebook Comments