TIMBOG | Grupo ng Dragon Wu drug syndicate na nago-operate sa Pilipinas, naaresto ng PDEA

Malabon City – Alas 7:00 kaninang umaga, pinangunahan ni PDEA 3 Director Esmael Fajardo ang pagsalakay sa lumang building na inuupuhan ng mismong pinuno ng grupo na si Xie Jiangsheng kasama ang kanyang driver na si Larry Santiago ng Marikina.

Ayon kay Fajardo, ang Dragon Wu ay pinangunahan ni Xie.

Kasabwat sina Quiang Mecao, Que Nini, Hong Liang Yl, Guo Zixin,Yue Halong, Tian Baoquian, Jiang Minshiang, John Doe at Babalu, Richard Doe aka Larry.


Sangkaterbang chemical na pangsangkap ng shabu ang kasalukuyan paring ini-inventory ng PDEA.

Nabigla at hindi makapaniwala si barangay chairman Alvin Manalac na halos malapit lamang sa kanyang barangay ang naturang lumang building na inuupahan.

Facebook Comments