TIMBOG | Hinihinalaang babaeng drug pusher, arestado sa buy bust operation sa Pasig City

Pasig – Bumagsak sa kamay ng Station Drug Enforcement Unit ng Pasig City Police Station ang isang hinihinalaang tulak sa ilegal na droga matapos magsagawa ng buy bust operation sa Manggahan Pasig City.

Ayon kay P/Sr. Supt. Rizalino Gapas, Chief of Police ng Pasig Police Station naaresto ng kanyang mga tauhan ang hinihinalaang drug pusher na si Princes David 24 anyos residente ng No. 68 Daang Kalabaw, Magsaysay, Brgy. Manggahan, Pasig City matapos na magpanggap na bibili ng shabu ang isang pulis sa Daang Kalabaw, Magsaysay, Brgy Manggahan, Pasig City.

Batay sa imbestigasyon, nagpanggap na buyer ang isang tauhan ng SDEU ng Pasig Police Station ng magsagawa sila ng Buy-bust operation at nang iaabot na ang 200 pisong mark money ay agad dinampot ng pulisya ang suspek kung saan nakuha ang 3 transparent sachets na may lamang pinaghihinalaang shabu at Shabu a 200 pisong buy-bust money.


Paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act ang kasong isinampa laban sa suspek sa Pasig City Prosecutor’s Office today.

Facebook Comments