TIMBOG | Isang babaeng drug pusher, arestado sa Marikina City

Marikina City – Arestado ang isang 30-anyos na babaeng tulak ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis sa Barangay Tumana, Marikina City.

Nakilala ang suspek na si Angela Balane, residente ng Block 68, Palay Creek, sa naturang barangay.

Isang pulis ang nakabili ng droga sa suspek kaya at matapos ang transaksiyon ay agad itong pinosasan.


Narekober kay Balane ang 11 pirasong plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia at P500.00 na mark money.

Inaalam naman ngayon sa suspek kung sino ang source nito ng iligal ng droga.

Facebook Comments