TIWALI | Isang pulis at isang drug pusher, kapwa patay sa buy-bust operation

Norzagaray, Bulacan – Kapwa patay ang isang pulis at isang lalaking pusher matapos silang magbarilan sa Norzagaray, Bulacan.

Nakilala ang nasawing pulis na si PO3 Ronaldo Legaspi habang ang suspek ay si alyas Jay-R.

Sa ulat, nakatunog ang suspek na pulis ang kaniyang ka-transaksiyon kaya at bumunot siya ng baril at pinaputukan ito.


Tinamaan sa tiyan at dibdib ang pulis pero nakaganti naman ang kasamahan nito kaya napatay ang suspek.

Narekober kay Jay-R ang isang .45 kalibre na baril at anim na sachet ng shabu.

Facebook Comments