SAWI | Adik, patay matapos manlaban sa operasyon ng mga pulis

Malolos City, Bulacan – Patay sa buy-bust operation ang lalaking number one sa drug watch list sa Malolos City, Bulacan.

Kinilala ang suspek na si Antonio Yamson, 59-anyos.

Ayon kay Malolos City Police Chief Superintendent Heryl Bruno, nanglaban ang suspek matapos na matunugang pulis ang kanyang ka-transaksyon.


Narekober sa kanya ang 45 plastic sachet ng shabu at marijuana at isang kalibre 38 baril.

Si Yamson ay itinuturing na “kingpin” sa palengke ng Malolos at protektor ng mga drug personality sa lugar.

Bukod sa iligal na droga, sangkot din siya sa robbery-holdup, murder at homicide.

Facebook Comments