Negros Occidental – Arestado ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa ikinasang operasyon ng militar sa Sitio Gusnit, Brgy. Pinggto, bayan ng ilog, Negros Occidental.
Nakilala ang nadakip na si Bobby Pedro, residente ng Barangay Camindangan, Sipalay City na gumagamit ng pangalan na Reymark Pedro sa loob ng grupo.
Si Pedro ay kasapi ng Southwest Negros Front ng NPA sa ilalim ng Armando Sumayang Front kung saan nakuha sa kanya ang .9mm caliber pistol at mga dokumento na nagpapakita ng kanilang na-extort na pera sa mga tao sa lugar.
Nabatid pa na sumailalim din si Pedro sa ilang mga training ng NPA base na rin sa ilang certificate na nakuha sa kaniya.
Facebook Comments