KALABOSO | Dating kapitan at anim na iba pa, arestado sa pagsusugal sa Roxas City

Roxas City – Kalaboso ang dating kapitan ng Barangay Barra, Roxas City at anim na iba pa matapos maaktuhang nagsusugal sa dalawang bahay.

Kabilang sa mga inarestong naglalaro ng mahjong ay sina Abel Olmedo, Rex Casimero, Carlito Martizano, at ang dating barangay kapitan na si Enriquito Martizano.

Nakuha sa bahay ni Martizano ang isang set ng mahjong, lamesa, upuan at ang perang pantaya.


Naaktuhan naman ng mga pulis na naglalaro ng tong-its sa kalapit na bahay sina Julieta Torres, Vivian Dela Cruz at Elna Bucayan kung saan narekober din sa kanila ang perang pamusta at ang isang set ng baraha.

Facebook Comments