Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng baril sa inilatag na checkpoint sa Pritil Market, Barangay 86 sa Tondo, Manyila.
Ayon sa suspek na si Resty Macabuat, ide-deliver niya sana ang calibre .22 na baril sa isang alyas Gary na taga-Baseco Compound sa Tondo kung saan P500.00 ang magiging bayad nito sa kaniya.
Giit pa ng suspek na galing pa ang nasabing baril sa isang alyas Toto na taga-Caloocan.
Sinabi pa ng suspek na kaya niya kinagat ang pagde-deliver ng baril dahil wala siyang pera para pambili ng pagkain para sa kaniyang pamilya.
Facebook Comments