Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaking sangkot sa “rent sangla rent tangay” modus matapos ang ikinasang entrapment operation ng PNP NCR highway Patrol group sa Makati City kagabi.
Kinilala ang suspek na si Ronald Punzalan na may kinakaharap na kasong 9 counts of estafa at carnapping.
Ayon kay PNP HPG Director Police Chief Supt. Roberto Fajardo naging biktima ng suspek ay mismong mga naging kaklase nito sa college, kaibigan at prat.
Modus nito, rerentahan ang sasakyan ng halagang 25,000 pesos at kapag nakuha na ang sasakyan ibebenta ng halagang 300,000 hanggang 400,000 pesos.
Sampung complainants na aniya ang tumungo sa kanilang tanggapan para magreklamo ilan sa mga ito natangayan ng 2 hanggang 3 sasakyan.
Umaabot na aniya sa halagang 50 million pesos ang natatangay ng suspek sa mga biktima nito.
Sa ngayon ay inihahanda na ng PNP HPG ang ilan pang dokumento at reklamo para kasong syndicated estafa ang maisampa sa biktima na walang piyansa.
Paalala naman ni Fajardo sa publiko na magingat upang hindi mabiktima ng anumang modus.