TIMBOG | Lalaking wanted sa Maynila, naaresto na

11

Naaresto na ng mga awtoridad ang lalaking wanted matapos matunton ang pinagtataguan nitong bahay sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Ricky Romero, alyas Itik at nahaharap sa kasong murder.

Dinakip si Romero sa bisa ng warrant of arrest na pirmado ni Manila RTC Branch 07 Judge Manila RTC Maria Teresa Gomez Estoesta.

Wala namang inirekomendang piyansa laban sa suspek.

Facebook Comments