TIMBOG! | Limang katao, arestado sa buy-bust operation sa QC

Manila, Philippines – Kalaboso sa ikinasang drug buy-bust operation ang limang tao sa Samar Street Barangay South Triangle, Quezon City.

Kabilang sa limang naaresto ang dalawang babae na nagsasagawa ng drug session.

Ayon sa QCPD-District Drug Enforcement Unit, target sa operation sina alyas Boyet at Jelus.


Anila, matapos makabili ang kanilang poseur buyer ng iligal na droga sa halagang P45,000 ay inabutan pa ang kasama ng mga ito na gumagamit ng shabu.

Nabatid na matagal ng binabantayan ang kilos ng mga suspek bago naaresto sa buy-bust operation

Kasong paglabag sa R.A 9165 ang isasampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments