ROAD ALERT | Trailer truck, sumabit sa kable ng kuryente sa QC

Manila, Philippines – Isang trailer truck ang sumabit sa nakalawit na kable ng kuryente sa eastbound lane ng Quezon Avenue corner Araneta Avenue sa Quezon City bago mag-alas otso ng kagabi.

Dahil dito, apat na poste ng kuryente ang natumba at nabali.

Nagdulot naman ng pagbibigat ng daloy na trapiko sa magkabilang lanes ang insidente.


Nagsagawa ng clearing operations sa lugar at tinanggal na rin ang ilang nabali na poste, kaya agad ding nadaanan ang isang lane ng Quezon Avenue.

Facebook Comments